MATABIL
ni John Fontanilla
HANDANG makipaglaplapan kay Tekla ang singer & comedian na si Donita Nose if ever na mabibigyan siya ng solo movie.
Tsika ni Donita sa launching ng 35 contract artists ng VT Artist Management ni Atty. Vince Tañada, na isa ito sa ipinakilala na kung ano ang iutos ng direktor at para naman sa ikagaganda ng pelikula ay susunod lang ito.
Ipinaliwanag naman ni Atty. Vince na ima-manage niya lang si Donita sa pelikula at hindi niya pakikialaman ang raket nito sa TV o maging sa mga endorsement nito.
Bukod kay Donita Nose ima-manage na rin ng VT Artist Management sina Wacky Kiray, Vrix Gallano, Johnrey Rivas, Vean Olmedo, Gerald Magallanes, Bea Martin, Rotsen Entolle, JP Lopez, Godfrey Astronomo, Yvonne Ensomo, Stephanie Quitlong, Sophia Lopez, Renz Saavedra, Rajja Mater, OJ Arci, Mhel Pascua, Francine Galvez, Lloyd Retalado, Lance Cabradilla, Kharen Udarbe, Ken Intano, Jem Nuqui, Angela Mendez, Jason Chan, Renee Escurel, Jacky Aquino, Fidel Redado, Elisha Vistan, Awin Valencia, Carl Rasco, Dave Pajanustan, Adelle Ibarrientos, at Chin Ortega.