Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Carbocisteine Zinc Solmux Advance

Fans ni Marian, nagkagulo nagkandarapa sa pagpapa-selfie sa aktres

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBA talaga ang dating ni Marian Rivera. Malakas pa rin at talagang tinitilian, pinagkakaguluhan, at hinahabol-habol. Mayroon pa ngang muntik masubsob nang madapa dahil gustong makalapit sa aktres.

Nakita namin ito sa pglulubsad ng Unilab ng kanilang mas pinalakas at mas pinabisang gamot laban sa ubong may plema, ang Carbocisteine + Zinc (Solmux Advance) Suspension.

Idinaos ang formal launch sa Solmux Advance Jam event sa SM The Block noong September 16. At talaga namang hindi magkamayaw ang fans sa pagtili kay Marian lalo’t nagpaunlak itong sumayaw tulad ng napapanood sa Tiktok.

Kaya ayun may ilang fans na nang kawayan ni Marian para imbitahan sila sa stage patakbong pumunta at dahil sa excitement muntik sumubsob at nadapa na nga.

Anyway, ilan sa mga nagsidalo ay ang mga influencer na sina CK De Leon, Charlize Ruth, at Dr. Dex Macalintal habang nagsilbing hosts naman ang mga social media personalities na sina Mikey Bustos at Dr. Kilimanguru. At siyempre pa, pinaka-inabangan nga ang pagdating ng Kapuso Primetime Queen at brand ambassador ng Solmux na si Marian.

Bagamat hosts ng event, may kanya-kanyang pahayag sina Mikey at Dr. Kilimanguru na parehong naniniwala sa bisa at galing ng Solmux Advance Suspension.

Ani Mikey, “Sa linya ng trabaho ko, napakahalaga ng may reliable health product katulad ng Solmux Advance Suspension na may dobleng amount ng Zinc para sa mga pagkakataon na mayroon akong ubo at kailangang maka-recover agad. Importante ang mga ganitong klase ng innovation para mas mabilis ang paggaling at mas mabilis makabalik sa trabaho.”

Maging si Dr. Kilimanguru ay sang-ayon din. Pinuri nito ang pagiging creative ng Solmux Advance team sa pagbuo ng isang event na layuning magturo sa publiko kung paano mapapangalagaan ang kalusugan. 

Tandaan, hindi dapat nila-lang ang ubo dahil maaari itong humantong sa mas malubhang kondisyon.”

Hindi naman magkamayaw ang mga mallgoer sa pagdating ng brand ambassador ng Solmux Advance Suspension na si Marian na nagbigay kasayahan sa audience sa pamamagitan ng kanyang galing sa pagsayaw. Bilang health advocate, nagkuwento ang aktres kung paanong hindi siya nagko-kompromiso sa alam niyang dapat, tulad ng pagpili ng gamot sa ubo.

Ayon kay mYan, “Ang ubo, parang apoy ‘yan, mabilis lumala. Kapag hindi naagapan baka maging flu, pneumonia o bronchitis. Kaya dapat agapan, dapat advance. Kaya naman, talagang kahit sa pamilya ko ay Solmux Advance ang laging naka-stock sa bahay.

Bukod sa pagpapakilala sa bagong product line ng Solmux ay nagkaroon din ng singing competition ang event. Ang mga nagsilahok ay nasa edad 18 pataas na nauna nang nag-audition. Nagsipaghanda ang mga ito ng tig-dalawang kanta na nagpamalas ng malamig nilang boses. Dahil hindi biritan ang labanan sa nasabing contest, tamang nginig at swabe lang ang boses na kailangan.

Ayon sa isang pag-aaral, ang kombinasyon ng Carbocisteine at Zinc ay epektibo sa paggamot ng ubong may plema at nakapagpapabilis ng recovery period.

Sa panahon ngayon at sa ating naranasan nitong mga nakaraang taon, kailangan natin ng advance mindset para sa ating kalusugan pati na rin ang kalusugan ng ating mga mahal sa buhay. Kaya naman tuloy-tuloy kami sa pag-aaral at pagtuklas ng mga makabagong gamot para tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” sabi naman ni Leevan Fong, Brand Manager ng Solmux Advance Suspension.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …