Sunday , November 17 2024
Ysabel Ortega

Voltes V magtatapos na; Ysabel nakapagpatayo ng negosyo galing sa live action series

RATED R
ni Rommel Gonzales

KOMPIRMADONG magtatapos na sa ere ang Voltes V: Legacy sa September 8, 2023.

At dahil sa tagumpay ng GMA live action series, sumikat nang husto sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Matt Lozano (Big Bert Armstrong), Radson Flores (Mark Gordon), at Raphael Landicho (Little John Armstrong).

Dugo, pawis, luha, pagod, at puyat ang pinuhunan ng lima para maging isang malaking tagumpay ang Voltes V: Legacy kaya naman nararapat lamang na regaluhan nila ang kanilang mga sarili, lalo na mula sa kinita nila sa show.

Biyahe abroad ang regalo ni Miguel sa kanyang sarili lalo pa at 25th birthday niya sa September 21.

Negosyo naman ang reward ni Ysabel sa sarili.

Nagpatayo ako ng business.

“Along with my partners, magpapatayo ako ng isang nail salon and at the same time, magpapatayo rin po ako ng isang bakeshop.

“It’s kind challenging to put up two businesses at the same time pero ‘yun po ang ginawa kong reward sa sarili ko.

“Something din na kung anuman ‘yung effort na pinour ko rito sa ‘Voltes V,’ naghanap ako ng kung saan ko ulit ibubuhos.

“’Yun ang pinili ko, two businesses na passion ko rin naman.”

Ang tinutukoy ni Ysabel na nail salon ay ang branch ng sikat na Nailandia na ang mga partner niya ay mga co-star din niya sa Voltes V Legacy na sina Elle Villanueva (Eva Sanchez), Sophia Senoron (Ally Chan).

Masayang-masaya ang Nailandia owners na sina Noreen at Juncynth Divina sa pagkakataong magkaroon ng business collaboration sa tatlong aktres dahil sikat ang Voltes V: Legacy at patuloy na nangunguna sa ratings game.

Very thankful, grateful kay Lord!

“Thank you Lord talaga, wala lang akong masabi, thank you Lord talaga,” bulalas ni Noreen.

Ang friendship naman nilang lima ang maituturing ni Radson na premyo niya sa sarili.

Kasi sa tagal namin talaga, ang dami naming pinagsamahan and, feeling ko, walang makapapantay o makahihigit na gamit na puwede kong reward sa sarili.

“It’s priceless,” pahayag ni Radson.

Motorsiklo naman ang ibinigay ni Matt sa sarili.

Best reward!

“Green ‘yung napili kong kulay ng motorcycle kasi gusto ko, every time na sasakyan ko ‘yung motor ko, it will remind me of pagiging Big Bert Armstrong.

“At saka, reward din ‘yung na-recognize ka sa ginawa mo, at wala na akong masasabi kundi sobrang proud na proud ako to be part of ‘Voltes V,”’ sabi ni Miguel.

Isang van naman ang iniisip ni Raphael na pag-ipunan at bilhin para sa kanyang pamilya.

Kasi ‘yung family ko po, mahilig mag-outing, mag-travel. Para magkakasya na kami sa loob ng van.”

Happy di  siya sa friendship nila ng Voltes V team.

About Rommel Gonzales

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …