MATABIL
ni John Fontanilla
SUMUSUMPA sa Poong Maykapal ang sexy star na si AJ Raval na hindi siya ang dahilan kaya nagkahiwalay at nasira ang pamilya nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Matagal na raw hiwalay sina Aljur at kylie nang pumasok siya sa buhay ng aktor.
Sa Facebook Live nito kamakailan, sinabi nitong kilala niya ang babaeng naging dahilan ng paghihiwalay nina Aljur at kylie.
“Mamatay man buong pamilya ko ngayon, nag-start ‘yung relationship namin (Aljur) hiwalay na sila ni Kylie. Wala kaming nasasaktan, wala kaming nilokong tao.
“Kilala ko ang babae na talagang involved sa panloloko nilang dalawa sa relationship nila.”
Hindi nga maiwasan na i-bash si AJ ng mga netizen lalo’t lantad na ang relasyon nila ni Aljur.