Bidaman Wize Showtime Online U

Bidaman Wize malaki ang pasasalamat sa  Showtime Online U 

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAKI ang ipinagpapasalamat ni Bidaman Wize Estabillo sa It’s Showtime

dahil naging part siya ng Showtime Online U na nag-celebrate ng anniversary kamakailan.

Ito kasi ang nagbukas sa kanya ng pinto para makapasok sa showbiz at matuto at mahasang mag l-host.

Post nga nito sa kanyang Facebook account, “Never in my wildest dreams have I ever imagined that I will be part of a noontime show. My heart is forever grateful. Maraming salamat It’s Showtime and Showtime Online U. Happy Anniversary, SOÜ “

Kung dati-rati nga ay two days lang napapanood si Wize sa Showtime Online U, ngayon ay araw-araw na itong napapanood  at mas nahahasa nga  ang kanyang hosting skills dito.

Bukod sa kanyang regular show ay mabenta na ring kuning host si Wize sa mga event lalong-lalo na sa mga pageant.