RATED R
ni Rommel Gonzales
MAHIGIT 12 taon na ang Nailandia na isang kilalang chain ng nail salon at foot spa na pag-aari ng mag-asawang Noreen at Juncynth Divina.
Nagsimula ang Nailandia dahil na rin sa hilig ni Noreen na magpa-footspa.
“So dati ‘pag tumatawag ‘yung husband ko, everytime tatawag ang husband ko, ‘Asan ka?’
“Tapos sasabihin ko, ‘Andito ako sa spa.’ ‘Andiyan ka na naman?’ “Weekly, ‘Andyan ka na naman? Ano kaya kung magtayo ka na ng sarili mo?’
“So parang may light bulb na umano sa ulo ko, ‘Oo nga naman, ano?’
“So ayun nag-aral ako, inaral ko lahat ng services. As in I know how to do all of them. ‘Pag pumupunta ako ng mga franchise visit, kapag maraming clients tapos puno, tapos may waiting, hindi ko na papaalisin, ako na gagawa!”
Nag-aral si Noreen sa mga eskuwelahang may kinalaman sa mga serbisyo ng nail salon at foot spa.
“May course, iba-iba, ‘pag sa nails ibang course ‘yan, sa spa ibang course ‘yan, sa massage ibang course ‘yan, sa waxing, sa eyelash iba-iba, hindi lang siya isang buong course.”
Rito sa Pilipinas at sa abroad nagsanay si Noreen sa mga nabanggit na serbisyo.
“Dapat din pupunta ako sa California kaso ‘yung teacher sa California siya na ‘yung pumunta rito so suwerte naman na na-timing-an ko na pumunta ‘yung teacher sa California rito sa Pilipinas so, sa kanya ako nag-aral.”
Ang industriya ng spa at wellness ang isa sa mga unang ipinasara at huling pinabuksan ng gobyerno sa kasagsagan ng pandemya na dulot ng COVID-19 na nagsimula noong March 2020.
“So nagsara kami mga one and a half years, on and off iyon.
“‘Di ba August nagluwag tapos by December nag-strict na naman sila.”
At naging mabuti naman ang puso nina Noreen at Juncynth sa mga panahong iyon.
“Hindi ko naman sinisigil ng royalty ang branches kapag sarado sila kasi nakakaawa rin naman, ano?”
Sa kabutihang palad, ngayon ay maluwag na ang mga health protocols dahil sa mababang kaso na ng COVID-19 ay dagsa ang mga kliyente sa branches ng Nailandia.
“Ay naku sobra, napakalaking tulong sa amin lalo na sa mga franchisee kasi sa kanila talaga ako naaawa before na alam mo mababait sila kasi ‘pag walang trabaho ang staff nila, they give rice, they give ayuda kahit walang kita.
“Binibigyan nila at nakatutuwa sila actually so, napakabait nilang tao, lahat, ‘yung parang pay forward, ang babait nila siguro dahil din napagbibigyan namin sila kung ano’yung dapat i-impart din nila sa employees nila.
“And ito na nagluwag na, ay naku, dagsa, dagsa ang mga customer namin. Nasabik ang mga tao sa services namin, sobra,” ang masayang bulalas ni Noreen.
Si Marian Rivera ang nag-iisang celebrity endorser ng Nailandia.