Thursday , June 4 2026
gun ban

Illegal gun owner nakasibat sa warrant

KASALUKUYANG pinaghahanap ng pulisya ang isang indibiduwal na tinakasan ang isinilbing search warrant kaugnay sa pag-iingat niya ng hindi lisensiyadong baril sa Bulacan kamakalawa.

Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, umaksiyon ang mga tauhan ng SJDM City Police Station (CPS) upang isilbi ang search warrant na inilabas ng MTC Branch 1, CSJDM, Bulacan, sa Towerville, Brgy. Sto. Cristo, SJDM City.

Ang search warrant ay may kinalaman sa sinasabing paglabag ng suspek sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sa ikinasang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng kalibre .22 revolver na kargado ng tatlong bala.

Si Julius Samson, 25, target ng search warrant ay sinasabing nakatunog sa  operasyon kaya nakatalilis at nanatiling at large.

Ang search warrant ay isinagawa sa harap ng mga lokal na barangay officials, at ang nakompiskang baril ay dinala sa  Bulacan Forensic Unit para sa pag-aanalisa at safekeeping.

Ayon kay P/Col. Arnedo, ang pulisya sa Bulacan ay patuloy sa kampanya laban sa loose firerams sa buong lalawigan lalo pa’t nalalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …