Monday , December 23 2024
LRT Roosevelt FPJ
PINASINAYAAN ni Senadora Grace Poe at Senador Lito Lapid ang pagpapalit ng bagong pangalan ng Light Rail Transit (LRT-1) Roosevelt Station bilang Fernando Poe, Jr., Station, sa Quezon City kahapon ng umaga. Ang pagbabago sa pangalan ng estasyon ay alinsunod sa Republic Act No. 11608 na ang awtor ay sina Senador Lapid at Senador Vicente “Tito” Sotto III. (ALEX MENDOZA)

LRT-1 Roosevelt Station, ipinangalanan na kay FPJ

OPISYAL nang pinalitan nitong linggo ang pangalan ng Roosevelt Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Quezon City, at ipinangalan na ito sa yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. (FPJ).

Ang ceremonial unveiling ng bagong signage ng estasyon ay isinagawa kahapon, sa pangunguna mismo si Senator Grace Poe, ang adopted daughter ni FPJ.

Sa kanyang mensahe para sa okasyon, nagpasalamat siya dahil sa ngayon ay nabibigyan na ng kahalagahan ang kontribusyon ng mga artistang Pinoy sa bansa.

“Ang mga artista sa ating lipunan, ngayon na lang kinikilala ang kontribusyon. Noon ang tingin, artista ka lang. Ngayon meron na tayong train stop. Hindi lang si FPJ ang magiging huli. Malay ninyo sa susunod, iba naman sa ating industriya,” anang senadora.

Ayon kay Sen. Poe, si FPJ ang naging simbolo ng mga mamamayan, anuman ang kanilang trabaho, na araw-araw ay nagsisipag at walang pagod na nagtatrabaho upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Disyembre 2021 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11608, upang palitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue at gawin itong Fernando Poe Jr., Avenue.

Nabatid na ang Roosevelt Avenue, nasa first legislative district ng Quezon City, ay ang kinaroroonan ng ancestral residence ni FPJ, kung saan niya ginugol ang kanyang kabataan.

Ang LRT-1 ang nagdurugtong sa FPJ Station sa Quezon City hanggang sa Baclaran Station sa Parañaque City.

Ang nasabing estasyon ay pasinayaan nina Senadora Grace Poe, Senador Lito Lapid, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Cong. Arjo Atayde, at Direk Coco Martin ng Batang Quiapo.

Si Senador Lapid ang awtor at  si Senador Sotto  ang nag-sponsor ng FPJ avenue law o ang Republic Act No. 11608.

Sa ambush interview, sinabi ni Lapid,  hindi nya matatawaran ang naiambag ni FPJ sa industriya ng pelikula at sa bansa.

Binanggit ni Lapid, ang kanyang ama ay stuntman noon ni FPJ hanggang kunin rin siyang stuntman ni Da King.

Palaging sinasabi ng Senador, “walang Senador Lapid kung walang FPJ na nag-aruga at nagbigay ng break sa kanyang karera sa showbiz. (ALMAR DANGUILAN / NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …