Sunday , May 12 2024

Habang naliligo sa Tayabas bay
TOTOY TINAMAAN NG KIDLAT, TODAS

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang 11-anyos batang lalaki matapos tamaan ng kidlat habang naliligo sa Tayabas Bay, Brgy. Dalahican, sa lungsod ng Lucena, lalawigan ng Quezon, nitong Lunes ng hapon, 14 Agosto.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si John Alexander Ballon, 11 anyos, isang Grade 5 student, at residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ina ng biktima, lumalangoy sa Tayabas Bay ang biktima dakong 3:00 pm kamakalawa nang biglang tamaan ng kidlat ang kanyang anak.

Dinala ang biktima sa Saint Anne General Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, sasailalim sa post-mortem examination ang biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang kamatayan. ###

About hataw tabloid

Check Also

Dead Electricity

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa …

fire dead

Sa Pangasinan
LOLO NATUPOK SA SARILING  SIGA, PATAY

HINDI sinasadyang masilaban ng apoy ng isang 74-anyos lalaki ang kanyang sarili habang naglilinis ng …

Bulacan Police PNP

6 drug suspects timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang anim na indibiduwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon …

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng …

Navotas

Bakuna vs Polio sa Navotas, umabot na sa 101%

NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para …