MATABIL
ni John Fontanilla
Lie low muna sa showbiz si Klinton Start at gusto munang mag-focus sa kanyang pag-aaral.
Huling napanood si Klinton sa Marriage Broken Vow bilang si Macky, ang bully ni Gio na ginagampan naman ng dating child star na si Zaijian Jaranilla.
Medyo bumaba raw kasi ang grades ni Klinton noon sa sunod-sunod na tapings kaya naman nabahala ito, at doon na nagdesisyon na mag-focus muna sa pag-aaral.
Thankful nga ito sa kanyang guardians na sina Ann Malig Dizon at Haye Start dahil naiintindihan at suportado ang kanyang desisyon.
Makakasama nga dapat ito sa isang malaking teleserye, pero tinanggihan nito dahil buo na ang kanyang desisyon na studies muna at saka na ang showbiz.
Open naman ito sa pagtanggap ng mga tv guestings, mall at out of town shows, pero no way muna sa pagtanggap ng teleserye.