Thursday , August 21 2025
Brgy Caypompo Sta Maria Bulacan Fire

Apat patay sa sunog sa Brgy. Caypompo, Sta. Maria, Bulacan 

APAT miyembro ng isang pamilya ang namatay sa nasusunog na dalawang-palapag na bahay sa Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw, 8 Agosto.

Kinilala ang mga biktimang sina Roy Lozano, 41 anyos, ang padre de familia; Marie Lozano, 39, ang kanyang asawa; Cedric Lozano, 13, anak na panganay; at Andrei Lozano, 12, bunsong anak, pawang naninirahan sa Block 9, Lot 5, Pueblo del Rio, Brgy. Caypombo, Santa Maria, Bulacan.

Napag-alamang nasa ikalawang palapag ng bahay ang natutulog na mga biktima na na-trap at hindi nakalabas nang magsimula ang sunog na kanilang ikinamatay.

Nakaligtas sa trahedya ang isang alyas Mamita dahil sa ibaba ng bahay siya natutulog kaya nakalabas kaagad habang nagaganap ang sunog.

Sa ulat ni Fire Chief Jonathan Hungriano, Jr., ng Santa Maria Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa two-storey residential building na tinitirahan ng mga biktima dakong 3:17 ng madaling araw.

Dakong 3:22 am nang makarating sa lugar ang mga bombero ng Santa Maria at iba pang rescuer mula sa kalapit barangay at bayan hanggang ganap na maapula ang sunog dakong 3:51 am. Isinusulat ang balitang ito’y patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoriad para malaman ang sanhi ng sunog habang ang labi ng mga biktima ay dinala na sa punerarya.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …