Saturday , April 27 2024
More Power

Barangay on-site registration ikinasa ng More Power sa pagbibigay ng electricity lifeline rate subsidy

SA HANGARING maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector, nagtalaga ng kanilang personnel ang More Electric and Power Corporation (MORE Power) sa mga barangay para mangalap ng aplikasyon upang mabigyan ng diskuwento sa singil sa koryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law.

Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro layon ng kanilang ginawang hakbang na matiyak na mas mapalapit sa marginalized group ang lifeline rate subsidy at marami ang maka-avail nito.

“In addition to accepting applications in our office, we also deploy personnel to barangays for on-site registration,” pahayag ni Castro. Hanggang nitong 2 Agosto ay nasa 1,519 aplikasyon na ang kanilang natatanggap mula sa 42 barangay.

Inabisohan nito ang mga consumers na palagiang bisitahin ang kanilang official Facebook page para sa petsa at lugar ng barangay on-site registration.

Ang full rollout ng aplikasyon para sa subsidy ay pinalawig ng DOE hanggang sa buwan ng Setyembre dahil sa mababang turnout ng aplikasyon.

“There are 4.2 million household beneficiaries of 4Ps, and the registration for lifeline subsidy remains very low. Only those who register will continue to receive a reduction in their electricity bills beginning August 2023,” nauna nang pahayag ni Energy Secretary Raphael Lotilla.

Hinimok ni Castro ang mga eligible applicants na samantalahin ang maaaring makuhang diskuwento lalo at mas pinalapit na ng MORE Power sa mga residente ang aplikasyon.

Sa ilalim ng bagong polisiya ng Enhanced Lifeline Subsidy na ipinalabas ng Department of Energy (DOE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Energy Regulatory Commission (ERC), ang 4Ps members gayondin ang marginalized sector na kumukonsumo ng mas mababa sa 100Kwh kada buwan ang eligible sa nasabing subsidy.

Sa 4Ps members kailangan magsumite ng application form, latest electricity bill, government issued ID at 4Ps ID, sa mga marginalized end user o ang household na may 5 miyembro ngunit mayroong pinagsamang buwanang kita na P12,030 ay maaari rin mag-apply ng lifeline subsidy, maliban sa naunang requirements, kailangan lamang magsumite ng sertipikasyon mula sa local Social Welfare Development Office (SWDO) na nagpapakita ng kanilang family income ay mababa sa poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang discount rate ay depende sa konsumo, nasa 10 percent discount kung ang gamit na koryente ay nasa 81 kWh hanggang 95 kWh, 20 percent kung 71kWh hanggang 80kWh, 35 percent naman sa kumukonsumo ng  61 kWh hanggang 70kWh, 45 percent kung 51 kWh hanggang 60kWh, 50 percent sa nakagagamit ng  21kWh hanggang 50 kWh, at 100 percent discount kung 20kWh o mababa pa ang buwanang konsumo sa koryente.

Samantala, nagpatupad ng kanilang ikatlong tranche ng Bill Deposit Refund ang More Power, nasa P173,000 ang refund na ibinigay ng distribution company sa kanilang 28 eligible consumers alinsunud sa itinatakda sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers.

Isa sa nakatanggap ng refund ay si Violeta Evangelista Tiangson, isang housewife. Aniya, blessing na maituturing ang nakuhang refund na ipambibili nya ng vitamins sa kanyang anak na kidney transplant recipient.

Ang mga consumers na walang palya sa pagbabayad ng kanilang electric bill sa loob ng 36 buwan ay maaaring makakuha ng bill deposit refund.

Una nang sinabi ni Castro na hanggang sa pagtatapos ng 2023 ay nasa P5 milyon ang nakatakda nilang i-refund na Bill deposit sa kanilang consumers.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …