MATABIL
ni John Fontanilla
THANKFUL si Mike Tan sa GMA 7 sa magaganda at sa sunod-sunod na projects na ibinibigay sa kanya.
Katulad na lang ng hit afternoon series nito na Seed of Love na pinagbibidahan nila nina Glaiza De Castro at Valerie Concepcion na talaga namang mataas ang ratings at tinututukan ng mga manonood.
“Kuya John I’m so happy, kasi since nanalo ako ng ‘Starstruck’ wa, way back sunod-sunod ‘yung magagandang projects na ibinibigay ng GMA 7 sa akin.
“Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa Kapuso Network at sa Sparkle dahil hindi nila ako pinababayaan at magagandang proyekto ang ibinibigay nila sa akin, like ‘yung project ko ngayon ‘yung ‘Seed of Love ‘with Glaiza and Valerie, very challenging ‘yung role na ginagampanan ko.”
Kahit na nga maraming mga bagong artista sa bakuran ng Siete na galing sa ABS-CBN ay hindi ito nawawalan ng proyekto.
“Thankful pa rin ako kasi kahit na may mga bagong lipat na artista sa GMA 7 ay nabibigyan pa rin ako ng sunod-sunod na proyekto.”
At kahit hindi pa tapos at umeere pa ang Seed of Love ay may bagong proyektong gagawin sa Kapuso Network si Mike na gagawin ngayong Agosto.