Tuesday , July 29 2025
Maja Salvador Rambo Nunez

Maja, Rambo bongga ang kasal sa Bali, Indonesia

NAPAKA-BONGGA ng kasalang Maja Salvador at Rambo Nunez kahapon, July 31, na ginanap sa Apurva Kempinski Bali, Indonesia na sinaksihan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

July 30 nagsipagdatingan sa Bali ang entourage nina Maja at Rambo gayundin ang  ibang imbitadong bisita na karamihan ay nanggaling din sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza na ginawa naman sa Baguio. 

Bago ang kasalan nagkaroon muna ng welcome dinner sina Maja at Rambo.

Sa mga picture na ibinahagi ng wedding at fashion photographer na si Pat Dy parehong naka-white ang groom and bride. Nakasuot si Maja ng puting Chanel crochet-knit dress at Jimmy Choo steppers at diamond dangling earrings. Puting suit naman si Rambo na tinernuhan ng cream-colored loafers.

Ilan sa mga celebrity na present sa event sina John Lloyd Cruz, Kakai Bautista, Thou Reyes at marami pang iba. Naroon din ang isa sa mga ninang nina Maja at Rambo na si Rhea Tan, CEO at presidente ng Beautéderm Corporation.

Si Ms Rhea naman ang nag-share ng video na  nagbibigay ng mensahe si Lloydie kina Maja at Rambo na pabirong tinawag nitong “ambisyosa” ang kaibigan at talent manager. 

Anang aktor kay Rambo, ingatan ang kanyang “kapatid” ngayong magsasama na sila bilang mag-asawa.

Star studded naman ang naganap na garden wedding na base sa mga nai-post na pictures ng mga dumalo, makikita sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshuy Garcia, Janella Salvador, Kakai Bautista, at ang bagong kasal na sina Arjo at Maine.

Naroon din sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, MJ Lastimosa, Pooh, Laureen Uy, Miles Ocampo, at ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen.

Ilan sa mga tumayong principal sponsors sina ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, Richard Gomez,   Ariel at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Forteza P77

PTSD tinalakay sa nakababaliw na horror film ng GMA Pictures

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG July 30, humanda ang moviegoers na magkatotoo ang pinakamasamang bangungot …

Jojo Mendrez

Jojo lumipat ng bagong management

I-FLEXni Jun Nardo BUMITIW na ang Revival King na si Jojo Mendrez sa dati niyang management. May …

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli SB19

Sarah, Matteo inilunsad bagong record label, may collab sa SB 19

I-FLEXni Jun Nardo UNANG project ng G Music Ph, ang record label na itinatag ng mag-asawang Matteo …

Cecille Bravo Aking Mga Anak

Gusto naming maitawid ang mensahe sa manonood – Cecille Bravo sa advocacy film nilang ‘Aking Mga Anak’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHAPON ay lumabas na ang trailer ng advocacy film na …

Rhea Tan Piolo Pascual Rotary Club Balibago Beautéderm

Beautéderm family sa pangunguna ni Piolo, full support kay Ms. Rhea Tan bilang presidente ng Rotary Club ng Balibago

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGARBO at star-studded ang 16th Induction and Turn-over Ceremonies para sa Beautéderm CEO and founder na si Rhea …