Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glydel Mercado

Glydel isa sa masuwerteng nakaranas magka-grandslam

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA ang aktres na si Glydel Mercado sa mga artistang nakaranas ng tinatawag na grand-slam win pagdating sa pagwawagi ng acting award. Ito ‘yung pananalo sa apat o higit pang award-giving body sa loob ng isang taon at para sa iisang pelikula.

Apat na Best Supporting Actress trophies ang napanalunan ni Glydel para sa Sidhi  noong taong 2000.

Naiuwi ni Glydel ang mga tropeo bilang Best Supporting Actress mula sa Star Awards (for Movies ng PMPC), Gawad Urian, Film Academy of the Philippines o FAP, at FAMAS.

Pero sa panahong ito, sa dami na ng award-giving bodies ay tila wala nang nakaka-grandslam ngayon.

“Well, totoo ka, mahirap nang maka-grand slam ngayon kasi sa dami ng award giving bodies, nakikita-kita ko rin.

“Talagang mahirap ‘yung isang artista na manalo roon sa lahat ng award-giving bodies na nagbibigay ng awards, kaya siguro suwertihan na lang. Talagang suwetihan na lang kapag na-grand-slam mo lahat iyon, kaya iyon, I mean, just do your best,” pahayag ni Glydel.

Anong masasabi ni Glydel na isa siya, kabilang ang mga aktres na sina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Elizabeth Oropesa, Nida Blanca, Gina Alajar at iba pa, sa iilan lamang na “nakatikim” ng grand-slam?

“Very lucky siguro kami kasi at least naabutan pa namin ‘yung ganoon na five or four award-giving bodies na masu-sweep mo lahat.

“So kaya very lucky and very, very proud kami, very thankful na naabutan namin ‘yung genre na ‘yun.”

Kasama sa cast ng Unspoken Letters si Glydel at mister niyang si Tonton Gutierrez, gayundin sina Matet de Leon, Gladys Reyes, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Orlando Sol, Deborah Sun, John Heindrick, at ang bidang si Jhassy Busran. Introducing sa pelikula sina MJ Manuel at Kristine Samson.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …