Monday , December 23 2024
Chris Wycoco

Fashion model na si Chris Wycoco magho-host sa Miss Earth

MAGSUMIKAP, maging matapang, at huwag sumuko.” Ito ang mindset ng bawat  migrante pagdating sa pagkamit ng kanilang layunin sa ibang bansa. At hindi naiiba ang fashion model na si Chris Wycoco. Sa kanyang puspusang pagsisikap.

Abot-kamay na ni Chris ang pagkamit ng kanyang mga  pangarap. Katulad ng ating mga  kababayan na nasa US, siya rin ay umunlad. At ang kanyang pag-unlad ay naiiba sa karamihan. Siya ay nag-aral at nagtrabaho ng walang kapaguran at dahil dito, naitatag niya ang kanyang taxation company, ang Wycotax LLC.

Simple lang ang kUwento ni Chris. Siya ay ipinanganak sa Manila ngunit lumaki sa Nueva Ecija. Sa edad na 14, natutunan na niya kung paano kumita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga paninda. Rito niya kinukuha ang kanyang allowance para sa kanyang pag-aaral at dahil dito, nahasa ang kanyang kakayahan sa pagnenegosyo sa murang edad. Ginawa niya ito hanggang sa  matapos niya ang kanyang degree sa kolehiyo ng may karangalan.

Taong 2010 nang  pumunta siya sa US para sa career advancement. Nakilala niya rito ang kanyang kasosyo sa negosyo, isang Certified Public Accountant at dito na nagsimula ang Wycotax LLC. Patuloy ang pag-asenso ni Chris. Siya ay aktibo sa mga pagtitipon tungkol sa negosyo at patuloy na tumatanggap ng mga parangal bilang isang businessman. At kahit pa namamayagpag si Chris sa US, hindi pa rin niya nakalilimutang pagbigyan ang mga special gathering invitations lalo na pagdating sa mga fashion show. 

Si Chris ay isa ring fashion model at ilang beses na rin siyang nakarampa sa entablado. Isa rin siyang magaling na host kaya naman palagi siyang nagkakaroon ng mga show dito at sa ibang bansa. Excited na  nga ang guwapong binata dahil siya ang itinalagang opisyal na host ng kilalang Miss Earth beauty pageant na gaganapin sa tatlong state sa Amerika ngayong Agosto—Washington, Oregon, at Colorado. 

Siya rin ang opisyal na host ng America Excellence Award na gaganapin next month.

Si Chris ay isang philanthropist at layunin din  niyang makatulong sa pamamagitan  ng pagbibigay ng mga online na negosyo sa mga Filipino. Naniniwala siya na ang internet ay makatutulong sa mabilis na pagpapalaganap ng mga negosyo sa buong mundo. 

Handang ibahagi ni Chris ang kanyang talento at karunungan para makatulong sa mga Filipino rito at sa ibang bansa. Pupunta siya sa Pilipinas sa Setyembre para sa kanyang  business, hosting, at modeling engagements at para na rin bisitahin ang kanyang  pamilya at mga kaibigan.(MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …