COOL JOE!
ni Joe Barrameda
SINUPORTAHAN ng fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang premiere showing pelikulang pinagbidahan nila, ang The Cheating Game na naganap sa SM North The Block noong Lunes ng gabi.
Maganda ang movie na tiyak akong kinilig ang mga supporter nito kada may romantic scenes lalo na ang mga kissing scene. Alam naman ng lahat na may relasyon ang dalawa at kampante na sila sa isa’t isa.
Bukod sa iba pang cast, sinuportahan din ng mga kaibigang artista nila ang premiere showing gaya nina Ruru Madrid, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Mavy Legaspi. at Kyline Alantara.
Kaya very proud at happy ang couple sa mga dumating.
Maaliw kayo sa movie na kakaiba ang tema pero interesting. Nag-open ito sa mga sinehan noong Miyerkoles, July 26.