Sunday , May 19 2024
Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pelikula nina Rayver at Julie Anne palabas na

RATED R
ni Rommel Gonzales

SIMULA noong Miyerkoles, July 26, napapanood na sa mga sinehan ang The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who react differently to betrayal’ — ganito kung ilarawan ang pelikula. Isa itong romantic drama na magpapakita ng  mature, relatable, at realistic side ng pakikipag-date sa panahon ngayon.

Sa kuwento, si Hope (Julie) ay isang young professional na may pagka-idealistic. Umiikot ang mundo niya sa kanyang fiance at ang non-governmental organization (NGO) na kanilang itinayo. Hanggang sa mag-viral online ang sex video ng kanyang fiance kasama ang ibang babae.

Heartbroken, mag-uumpisang muli si Hope. Magiging content producer siya sa isang kompanyang, lingid sa kaalaman niya, ay isa palang troll factory. At dahil ayaw na niyang muling maloko sa pag-ibig, gagawa siya ng isang ‘cheat sheet’ na nagdedetalye ng ‘anatomy of a cheater’ na gagawin niyang batayan sa pakikipag-date.

Makikilala ni Hope si Miguel (Rayver), isang self-made businessman na larawan ng isang ‘perfect guy’ at malayong-malayo sa kanyang ex.  Ngunit habang napapalapit ang loob nila sa isa’t isa, unti-unti na ring lumalabas ang kanilang long-kept secrets.

Makakasama nina Julie at Rayver sina Martin Del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila at marami pang iba.

Ang pelikula ay co-written at directed ng best-selling author na si Rod Marmol.

About Rommel Gonzales

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …