Sunday , November 17 2024
Pambansang Kolokoy

Pambansang Kolokoy itinangging babaero, may nadiskubre sa dating asawa

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKAUSAP namin ang isang malapit na kaibigan ng kontrobersiyal na vlogger at influencer na si Pambansang Kolokoy o PK.

“Family friend po,” ang umpisang pakilala sa amin ng aming source tungkol sa pagkakaugnay nila ng sikat na Pambansang Kolokoy.

Bakit siya ang pinagsasalita ni PK?

“Actually si PK, we call him PK, mahiyain talaga siya, hindi siya talaga… simpleng tao lang siya, hindi siya… kumbaga ‘yung sa vlog, vlog ‘yun.

“So medyo hindi siya makapagsalita, makapag-express ng ano (saloobin) niya.”

Isa sa mga maling akusasyon laban kay PK ay ang tungkol sa pangangaliwa umano nito at pagkakaroon ng relasyon sa komedyanang si Gladys Guevarra na naka-base na rin ngayon sa Amerika.

Taliwas sa akala ng marami, hindi si Gladys ang tunay na karelasyon ni PK.

May istorya po riyan, hindi talaga sila. Kasi ‘yung bestfriend ni PK iyon po ‘yung talagang karelasyon ni Gladys.”

Bakit ang napabalita ay sina PK at Gladys ang magkarelasyon?

“Alam niyo naman po sa Amerika, ‘di ba super-close ang mga Pinoy doon, so parang sinakyan na lang nila, nag-vlog-vlog sila kunwari, parang ganoon, at saka tulong na rin kay Gladys kasi, you know para pag-usapan.”

Collaboration lamang sa vlog ang namagitan kina PK at Gladys at hindi totoong may relasyon.

Samantala, sa vlog ni Ogie Diaz nagpainterbyu si PK nang mabilisang nagbakasyon sa Pilipinas nitong Hunyo at isinawalat nito ang tungkol sa sitwasyon nila ng dating asawa at mga magulang niya.

Pinakamasakit sa lahat ‘yung hindi ko nakasama at nakausap ang mga magulang ko dahil kay Grace, ayaw niya.

“Sinunod ko siya dahil mahal ko siya. Pati ang mga anak ko, hindi kilala ang mga lolo at lola nila.”

 Hindi raw kasi pinapayagan ni Grace si PK na makipagkita sa mga magulang niya pati na ang kanilang dalawang anak na lalaki.


Sa pakiramdam ni PK, malaki ang hinanakit ni Grace sa magulang niya dahil tutol ang mga ito rito dahil may asawa na at anak nang magkaroon sila ng relasyon.


Labis daw na dinamdam ito ni Grace na kahit nakapagtapos na ito ng doctorate sa Nursing ay hindi pa rin nawala ang hinanakit sa mga magulang ni PK.


“Ang dahilan lang naman kaya nagkaroon ng misunderstanding is dahil may anak siya sa unang husband niya. Alam mo naman ang mga matanda sa una, medyo off sa kanila.

“Pero lahat ng gusto niya sinunod ko kasi nga mahal ko siya.”

Wala raw katotohanan na nambabae si PK.

“Sirang-sira ako sa mga tao na hindi naman totoo. Si Grace lang ang nagsabi niyon. Pati ‘yung may babae raw ako, hindi totoo ‘yun. “Yung sa amin ni Gladys, nag-collab lang kami. Iyon lang ‘yun. 

“Marami raw akong babae, babaero raw ako, not true.

Noong naghiwalay kami at saka lang ako nagkaroon ng karelasyon, noong matagal na kaming divorced ni Grace.

“May anak na kami ng asawa ko ngayon. Okay na rin kami ng parents ko. Kasama ko na sila at nakakasama ko anumang oras.

“May mga edad na sila kaya gusto ko silang makasama. ‘Yung mga anak ko hindi ko rin nakakasama kasi nasa States sila pero constant ang communication namin. Mahal na mahal ko ang mga anak ko at alam nila ‘yun.”

Ayon pa rin sa rebelasyon ni PK, “There was a time na pinabalik ako ng present wife ko kay Grace para sa mga bata, nagpaubaya siya. Bumalik naman ako pero may nadiskubre ako pagbalik ko. Nabasa ko accidentally message ni Grace sa friend niya. Sabi nya, ‘Look at this ass____ he came back! I told you he can’t stand by himself. He still needs me!’

“So roon ko na talaga napatunayan na talagang wala na.”

Sa ngayon ay masaya na si PK, nakakasama na niya ang mga magulang niya kapag nasa Pilipinas siya at nangakong hindi naman niya pababayaan ang mga anak niya hanggang paglaki. Kaya naman nagsalita si PK ay para ipagtanggol ang sarili laban sa mga netizen na nag-judge sa kanya at dahil sa mga maling akusasyon laban sa kanya.

About Rommel Gonzales

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …