Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson BBQ Chicken

Chavit marami pang BBQ Chicken na bubuksan sa Pilipinas

ni ALLAN SANCON

SINUNDO kamakailan ng private plane ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson ang Korean Superstar na si Lee Seung Gi para sa meet and greet nito sa kanyang mga Pinoy fans. 

Nitong nakaraang July 16, 2023 naman ay nagbukas ang ikalawang branch BBQ Chicken Restaurant ni Gov. Chavit sa Robinsons Magnolia na dinaluhan ng ilan niyang kaibigan katulad ni Quezon City Vice Mayor Gian  Sotto

Mukhang mas marami pang businesses  ang itatayo ni Gov. Chavit in connection with Korean partners. Tuloy din ang nakaplanong pagpapatatayo ng Little Seoul ni Gov. Chavit dito sa Pilipinas at balak niya pang dalhin ang iba pang Korean stars sa Little Seoul na ito para mag-perform.

Sa mga hindi nakakaalam, nakipag tie-up pala itong si Gov. Chavit sa ABS-CBN para dalhin ang grupong HORI7ON sa Korean para sa matinding training ng mga ito.

Hindi talaga maikakaila ang magandang relasyon ni Gov. Chavit sa Korean government para sa mas marami pa nilang itatayong businesses dito sa bansa. 

Balak ni Gov. Chavit na bukod sa dalawang branches ng BBQ Chicken ay ikalat pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang restorang 

 ito. Nagustuhan niya ang business na ito dahil talaga namang masarap at dekalidad ang iba’t ibang flavor ng chicken na nagmula pa sa Korea na pwedeng ipantapat sa mga local restaurant dito sa Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …