I-FLEX
ni Jun Nardo
TOTROPAHIN muna bago jojowain ni Sparkle artist na si Kokoy de Santos si Angel Guardian.
Ito ang sagot ni Kokoy kaugnay kay Angel nang maging bisita namin sila ng kaibigang si Royce Cabrera sa Marites University.
Pero hindi priority ni Kokoy ang lovelife ngayon. Nagpapagawa siya ng bahay sa Cavite para sa kanyang mga magulang.
Kaya naman wala siyang tanggi sa trabaho. Tinatanggap niya kahit ano ang dumating sa kanya, huh!
Eh kahit nagbibida na, napapanood siya paminsan-minsan sa Voltes V: Legacy. Eh kahit na nga, ano ang role, bakla o lalaki, aprubado sa kanya gaya ng guesting niya sa Magpakailanman.
“Secured naman ako sa sexuality ko kaya hindi ko iniintindi kung anuman ang sabihin ng mga tao. May pinaglalaanan ako sa bawat kinikita ko kaya laban lang nang laban sa trabaho kahit ano pa ang sabihin nila sa akin,” pahayag ni Kokoy.
Eh si Royce, nagawa na niyang makuha ang kanyang dream car o SUV na dati ay pinapangarap niya lang.
“Kaya nga ang tawag ko sa car ko eh Dream! Nagkaroon na ito ng katuparan at hindi na ako nakikisabay sa service gaya noon,” sambit ni Royce.
Dalawang mahusay na aktor sina Kokoy at Royce at ang talent na ‘yon ang kanilang inaaalagaan para magtagal sa trabaho.