I-FLEX
ni Jun Nardo
PASABOG agad ang pilot telecast ng lifestyle/talk show ni Ara Mina sa Net 25, ang Magandang Araw na mapapanood simula July 15, Saturday, 3:00-4:00 p.m.. dahil si Piolo Pascual ang naimbitahan ng aktres.
“Matagal na kaming magkaibigan ni Piolo since ‘That’s Entertainment’ days.
“At sa totoo lang, after 30 years sa business, ngayon lang ako nagkaroon ng talk show. Matagal ko nang pangarap ito. Thanks to Net 25 president Cesar Vallejo and consultant Wilma Galvante na naging daan sa pagkakaroon ko ng ‘Magandang Ara(w),”” saad ni Ara sa mediacon.
Eh dahil sa mga trabaho, naku, postponed na naman ang pagbubuntis ni Ara sa asawang si Dave Almarinez, huh.