PUSH NA ‘YAN
ni Ambet Nabus
SPEAKING of Awra, hindi pa rin sinasagot ng kanyang legal team ang tanong ng sambayanan kung bakit nakapag-bail ito on a weekend kaya’t nakalaya ito noong Sabado?
Thursday ng madaling araw nang maganap ang insidente kaya’t nakulong ng halos tatlong araw si Awra (Thursday, Friday until Saturday afternoon).
Inakala nga ng marami na sa weekday pa ito makakapag-piyansa pero ‘yun nga, Sabado ng late afternoon ito nakalabas ng kulungan.
Nabago na Raw ba ang batas ukol sa paghuli ng weekend at pag-post ng bail?
Sino kaya ang dapat magpaliwanag o magbigay linaw hinggil dito dahil parang may umuugong na tsika na mayroon umanong mapagpalang mga kamay na gumawa ng paraan?
Hindi pa nagbibigay ng anumang panayam o reaksiyon si Awra after niyang makalaya, maging ang sinasabing mga “babaeng nabastos” ay wala pang isinasampang reklamo. Teka, limang araw na since the incident.
May ganoon?