Monday , December 23 2024
shabu drug arrest

Kelot timbog
P6.8-M shabu ‘inimbak’sa candle jars 

NABUKO ng mga awtoridad ang hinihinalang isang kilong shabu sa candle jars at baking pan na nagkakahalaga ng P6.8 milyon kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Itinago sa mga garapon ng kandila at sa baking pan ang nasamsam sa isang lalaki na hinuli matapos ang isinagawang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office ng National Capital Region sa Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Bryan Castillo Hong, 39 anyos, at residente sa Unit 2B Block 10 Lot 8, panulukan ng Catmon St. at Rambutan St., Doña Josefa Village, Barangay Almanza Uno, Las Piñas City.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng mga awtoridad dakong 5:20 pm nitong 24 Hunyo 2023.

Matapos mabilhan ng hinihinalang shabu ang suspek agad pinasok ang bahay nito kung saan nakompiska ang 200 gramo ng shabu na nakakubli sa candle jars at 800 gramo sa aluminum baking pan.

Bukod sa ilegal na droga, kinuha rin ng mga tauhan ng PDEA ang isang timbangan, lighter, mga gunting , dalaang improvised tooter,  isang cellphone at ang marked money at boodle money na  ginamit sa buybust.

Isinailalim sa inquest proceedings ang suspek dahil sa paglabag sa Section 5 (drug pushing) at Section 11  (Illegal drug possession) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …