MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagustuhan ng netizens ang naging sagot ni Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene “Hipon” Budol sa question and answer segment ng Miss Grand Philippines preliminaries kamakailan.
Tinanong ito ng isang judge na namangha sa laki ng bilang ng followers nito na umabot na SA milyon sa social media ng, “Apart from your social media following, what else have you got in order to win the crown?”
Sagot ng lead actress ng bagong soap ng GMA 7 na Magandang Dilag, “Thank you for that looong question for me…Charoz…I have a big followers because I have a big heart! O, English ‘yun, ha? Ano nga ulit ‘yung tanong?”
Na inulit naman ng Judge, “What else do you think you have you got in order to win this year?”
“What?” tanong uli ni Herlene.
Sa ikatlong pagkakataon, tinagalog na ng judge ang tanong, “Ano pang mayroon ka maliban sa iyong social media following?”
“I think this is the right time. Last year siguro po hindi ko oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is, ano ba ‘yun? World peace and…stop the war and peace…and since I was young (giggles) — ang sarap mag-English — naranasan ko pong ma-bully sa eskuwelahan, mabugbog sa tahanan, at dumayo sa ibang bansa bilang… ay! Dumayo sa ibang bansa, natutukan ng tatlong baril na talagang armalite at naging isang dayuhan. Para sa akin ang solid ng experience na ‘yun. Ayaw ko ma-experience ng iba ‘yon!
“Kaya bilang Miss Grand, sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot. Kahit anong pinagdaanan ng mga tao na nakangiti, may katuturan ‘yun. At ikaw ang magiging lakas ng ibang tao upang…maging lakas. Hindi ko ma-explain eh…sana po nasagot ko,” ani Herlene.
Umani ito ng batikos at panlalait mula sa mga nakapanood ng sagot ni Herlene.
Mabilis namang sinagot ni Herlene ang mga taong lumalait sa kanya sa pamamagitan ng post sa kanyang Facebook account.
“Sa sobrang kaba ko po hindi ko po na-explain ‘yung kung ano ang gusto ko pong sabihin. Sorry I admit ‘di po ako magaling sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sa akin ng kompiyansa. Sa isang pagkakamali, i’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro ‘di ko lang po talaga na gets ‘yung tanong and I accept it.
Hindi po ako perpekto. Thankyou for those people na naniniwala pa rin po sa akin. “