ni ALLAN SANCON
ISA si Sunshine Cruz sa mga abalang artista ngayon dahil kabi-kabila ang kanyang teleserye, mapa-GMA o Kapamilya.
Bahagi siya ng first collaboration series ng GMA at ABS-CBN para sa Viu, ang Unbreak My Heart kasama sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, Jodi Sta. Maria at marami pang iba.
Ikinuwento niya sa presscon ng series na na halos mahilo siya sa lakas ng sampal ni Jodi sa kanya sa isang eksena. Aniya, napaka-intense ng sampal na ‘yun dahil sa lakas niyon.
“Ang lakas kasi ni Jodi eh, kahit alam natin na petit si Jodi eh. Magwo-work-out pa rin siya at malakas eh. Nakatutuwa lang na na-appreciate ng mga tao, na out balance si Christina Sang, ‘yun ‘yung character ko sa series na ito,” kuwento ni Shine.
Open pa ring gumawa ng sexy roles si Shine basta kailangansa istorya at may approval ng kanyang mga anak.
Sa kabilang banda, open book na hindi maganda ang paghihiwalay nila ni Cesar Montano. Pero recently ay okay na sila at halos three (3) hours silang magkatabi sa upuan nang dumalo sa graduation ng kanilang anak. Napag-usapan din nila na okay sila muling magkatrabaho sa isang proyekto.
“We talked about things na mayroon daw siyang script and he is considering me to be part of it. Sabi ko why not? Kung kaya naman ng schedule it’s an honor working with Cesar Montano na alam na alam naman nating napahusay na artista,” sambit pa ni Sunshine.