Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Seoul International Drama Awards

Kathryn nominado bilang Outstanding Asian Star sa Seoul Int’l Drama Awards

ISA sa mga nominado si Kathryn Bernardo sa 2023 Seoul International Drama Awards (SDA) bilang Outstanding Asian Stars category.

Makakalaban ng 27-year-old actress ang mga artistang mula South Korea, China, Thailand, Japan, at Taiwan.

Ayon sa organizers, maaaring bumoto ang fans para sa kanilang favorites via  voting app Idolchamp simula June 15.  

Ang 18th edition ng Seoul Drama International Awards ay gaganapin sa September 21, at may live broadcast sa Korea’s KBS2TV.

Winners selected by the vote will also be invited to the ceremony to share the joy of winning the award with the general public,” ayon sa group.

Noong 2022,  isa si Belle Mariano sa limang honorees sa region na personal na na-receive ang kanyang award bilang  Outstanding Asian Star mula SDA. 

Taong 2006 nag-umpisa ang SDA na sinasabing bukod-tanging international drama festival sa South Korea na nagbibigay-halaga sa mga drama trend across the globe.

Sa ngayon, tatlong pelikula ang dapat abangan kay Kathryn, ito ay ang A Very Good Girl kasama si Dolly de Leon at idinirehe ni Petersen VargasElena 1944 na pamamahalaan ni Olivia Lamasan; at isang pelikulang pagsasamahan muli nila ni  Daniel Padilla na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …