MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI kami aware na okey na rin pala ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto. Ang pagkakaalam namin, ang okey lang ay sina Claudine at Gretchen Barretto.
Sa guesting ni Claudine sa Falt Talk With Boy Abunda noong Biyernes, isa sa mga itinanong ng King of Talk kay Claudine, ay ang kanyang kasalukuyang relasyon sa mga ate niyang sina Gretchen at Marjorie.
Sabi ni Claudine tungkol kay Gretchen: “She never left my side. We don’t get to spend time all the time, but the words of wisdom, her being there, kahit thru phone lang, ang dami kong natutunan…. Dada [Tonyboy Cojuangco], Atong [Ang].”
Ang Dada na tinutukoy ni Claudine ay ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco. Si Atong Ang naman ay ang negosyanteng malapit kay Gretchen.
Tungkol naman kay Marjorie, ang sabi ni Claudine, “As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, dinners, merienda with family.
“We have a big family. We did small talk. That’s good. That’s good enough.”
O ‘di ba, after Gretchen ay nagkaayos na rin pala sina Claudine at Marjorie.
At mukhang naayos na rin ang hidwaan kina Claudine at pamangkin niyang si Julia Barretto. Nang tanungin kasi ni Kuya Boy si Claudine, na kung gagawing pelikula ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap, ang sagot ng aktres ay si Julia o si Julia Montes.