Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Molina Jerald Napoles

Kim sinupalpal isang basher na nang-okray sa kanyang tuhod

MA at PA
ni Rommel Placente

BINUWELTAHAN ng komedyanang si Kim Molina ang isang basher na nagkomento sa latest social media post ng boyfriend na si Jerald Napoles.

Hindi niya pinalampas ang pambabastos ng nasabing netizen na pumuna sa mga bikini photo niya na kuha sa pagbabakasyon nila ni Jerald sa Bali, Indonesia.

Sa Instagram at Facebook post kasi ni Jerald, makikita ang kanilang pictures habang nagsasayaw at nag-eenjoy sa Bali, kabilang na nga rito ang isang short video clip na naka-two-piece bikini si Kim.

Caption dito ni Jerald, “The best partner someone can have.. I can be goofy and crazy with you forever. You’re the highlight in all the trips we had.

“Ang swerte ko naka hanap ako ng katapat !! We have our own world and we don’t care !! To more travels and craziness with you love. Kim Molina.”

Pinusuan at ni-like ng kanilang fans at celebrity friends ang kanilang mga paandar at pasabog na ganap sa Indonesia kabilang na sina Dimples Romana, Cristine Reyes, at Carlo Aquino.

Pero ayun nga may isang basher na lantarang pumuna sa tuhod ni Kim na tila may mga sugat at pasa. Comment ng naturang netizen, “Hilig nyo sa doggy itim ng tuhod hahahaha.”

At dito na nga sinupalpal agad ni Kim ang kanyang basher. Sagot niya rito, “’Di ko na dapat papatulan pero okay patola ako ngayon.

“Sa mga nagtatanong tungkol sa tuhod ko, nag-Blai po kami after ng show ko for ‘Zsaza Zaturnah,’” simulang paliwanag ni Kim. 

Patuloy niya, “Bugbog sa fight scenes, talon dito, bagsak doon, malamang ‘di mo alam dahil ‘di ka naman nanood panigurado. Dinala ako ni Je sa Bali para makapagpahinga.

“Tigil-tigilan mo rin akong sagutin na ‘Green-minded ka Ms. Kim, aso ibig kong sabihin.’

“Pakabastos mo eh. Kung sino ka man sa likod ng dummy account na ‘yan, pagdasal kong may partner ka ring nagmamahal sa’yo. Ingat na lang lagi at bakasanamadapaka,” aniya pa.

Bago pa ito, may pinatulan din si Jerald na  isang basher na nang-okray kay Kim na may kaugnayan sa pagganap nito bilang  Zsaza Zaturnah.

O ‘di ba, parehong pumapatol sa bashers sina Kim at Jerald.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …