Sunday , May 12 2024
Judy Ann Santos Jolina Magdangal Gladys Reyes Angelu de Leon Claudine Barretto

Juday, Jolens, Gladys, Angelu, Claudine magsasama sa isang pelikula

TIYAK na marami ang matutuwa kapag natuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Gladys Reyes, Angelu de Leon. at Claudine Barretto. 

Ayon kay Gladys nang mag-guest ito sa Magandang Buhay kahapon, Lunes, marami ang humihiling na magkasama-sama silang lima sa isang pelikula. 

“Star (Cinema) baka naman. Marami ang nagre-request pero ito siyempre in the process. Sinasabi ko na kay Jolens kanina off air na soon sana po matuloy ‘yung aming movie with Ms. Judy Ann Santos, of course Jolina, Angelu and Claudine Barretto. Sana, soon. Mga batang ’90s alam niyo na,” sambit ni Gladys.

At kapag natuloy ang pagsasama nilang lima siyempre tiyak na isang magandang proyekto iyon lalo’t lahat sila ay magagaling na aktres.

“Siyempre mga momshie na iba-iba ang katauhan, alam mo na. Soon siyempre maririnig nila ‘yan uli. Sana matuloy,” sabi pa ni Gladys.

I-manifest na natin yan,” susog ni Jolina, isa sa mga host ng Magandang Buhay. 

About hataw tabloid

Check Also

Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa …

Liza Soberano

Liza may pa-sulyap sa kaseksihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na naman ikinagulat ng lahat ang mga naglabasang fotos ni Liza …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel matapang na sinagot, hinarap mga tanong sa Senado

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay …

Wilbert Tolentino Asoka Makeup challenge

Asoka Makeup challenge ni Wilbert Tolentino viral

HINDI nagpakabog ang content creator, influencer, at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup Challenge na trending …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …