SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
USAP-USAPAN ang mala-Joshua Garcia-Jane de Leon, at Janella Salvador kissing scene nina Coco Martin at Lovi Poe sa isang eksena ng FPJ’s Batang Quiapo.
Bumigay na raw si Lovi kay Coco at talaga naman daw tinalbugan ang tinawag ng mga netizen na ‘higupan’ noon nina Joshua-Jane, at Joshua-Janella sa Darna.
Anang mga netizen, grabe rin palang makahalik at makasibasib si Coco bilang si Tanggol sa karakter kay Mokang (Lovi). Ito iyong eksena sa debut party ni Mokang na ginanap sa covered court sa kanilang lugar na marami ang nakasaksi sa grabeng laplapan ng dalawa.
Nakatatawa nga ang mga reaksiyon ng netizen na kumuwestiyon sa naturang halikan dahil parang hindi raw akma at parang bold ang naturang palabas.
Ipinakakahulugan din ng ilang netizen na tila ang laplapang iyon ang tinutukoy sa post ni Julia Montes (rumored partner ni Coco) sa kanyang Instagram na isang broken heart image.
Nrito ang iba pang reaksiyon ng ilang netizens sa eksenang naka-post sa ABS-CBN reels:
“Kaya pala my pa-heart broken emoji si Julia M eh. sana if my partner ka na or asawa choice mo na alisin na yung mga ganiyang kiss as a respect sa feelings ng partner mo.”
“Ba’t parang bold hahaha!”
“Kaya pala heart broken ang post ni Julia sa IG.”
“Grabe tinalo na ni Coco si Joshua hahaha.”