Monday , December 23 2024
Enchong Dee Here Comes The Groom 2

Enchong tiyak na makasusungkit ng award sa Here Comes The Groom

ANG hirap maging babae!” Ito ang naibulalas ni Enchong Dee sa isinagawang mediacon pagkatapos ng special screening ng Here Comes The Groom noong Miyerkoles sa SM Megamal Cinema.

Ang Here Comes The Groom ay isa sa walong entries sa Summer Metro Manila Film Festival na magaganap sa Abril 8-18, 2023.

Soul swapping ang tema ng pelikula na sequel sa hit movie na Here Comes The Bride, at ginagampanan ni Enchong ang karakter ni Junior na sumapi sa katawan ng isang transgender woman na si Kaladkaren o si Wilhelmina.

Kaya naman natanong ang aktor ukol sa ginampanang role at inamin nitong nahirapan siya. Pero sa totoo lang, tawang-tawa kami at talagang bumagay kay Enchong ang pagiging babae.

Totoo namang mahirap maging babae lalo kung hindi mo ito nakasanayan dahil unang beses palang gumanap na bakla si Enchong.

Napag-alaman naming agad ding tinanggap ni Enchong ang pelikula nang tawagan siya ng Quantum Film producer na si Atty Joji Alonso.

“Yes. Sunday night, tumawag po sa akin si Atty. Joji. Pag kausap niyo po si Atty. Joji, parang wala po kayong ibang sagot kundi ‘yes.’ Ganoon po siyang mag-present ng pelikula.

“Pero gusto ko rin pong pasalamatan si Atty. Joji kasi noong kinausap niya ako, hindi ko alam kung totoo o hindi. Pero sabi niya sa akin, ‘Ikaw talaga ang naiisip ko rito.’ Kaya sabi ko, ‘Sige po, laban. Kailangan ko po ng ganitong materyal. Gawin po natin ito!’” kuwento ng aktor.

Malaki rina ng pasasalamat ni Enchong sa direktor nilang si Chris Martinez dahil na-guide siya sa mga gagawin niya bilang transgender woman at kay Kaladkaren.

“‘Yung kalahati po ng trabaho, kay Direk Chris kasi buong-buo ‘yung script noong ibinigay po sa amin. At kalahati po ng pelikula, dahil kay Kaladkaren.

“‘Yung generosity ni Kaladkaren para ibahagi kung paano niya gagawin si Wilhelmina, siya po talaga to. And I will always be thankful to Kaladkaren for being so generous. Kasi po bawat eksena, kahit po tulog na siya, gigisingin po siya ng production para tanungin lang, paano niya ito ide-deliver?

“Ganoon po siya ka-generous. Kaya Kaladkaren, I love you! I love you! I love you!”

Sinagot naman si Enchong ni Kaladkaren ng, “Ako rin, nagpapasalamat ako nang buong puso kay Enchong. Kasi sa bawat eksena ko rin, tinatanong ko siya kung paano niya ide-deliver ‘yung line (bilang Junior).

“So thank you, Enchong, for helping me to become a man. Kasi sa totoo lang po, napakahirap po para sa isang transgender woman na katulad ko na magpakalalaki o maging lalaki. Kasi ‘yun na nga po ang bagay na tinalikuran ko na!

“Ayokong maging lalaki. Pero sa pelikulang ito, hinugot ko lahat ng kaya kong hugutin para magboses-lalaki, kumilos-lalaki. Because I don’t walk like that, I don’t talk like that, I don’t stare at someone like that.

“So, tinalikuran ko na to, eh. Tapos lalaki na naman ako?! Katulad niyong sinabi ni Enchong, ‘yung line niya… blast from the past. So, parang ako, ramdam na ramdam ko ‘yun as a transgender woman na, ‘Oh my God! Lalaki ako rito. Paano ko ba ito gagawin?’

“But here you are, you know, Enchong, direk helped me so much. ‘Yung AD natin, tinulungan din po ako nang bonggang-bongga. Thank you po, Direk,” sabi pa ni Kaladkaren.

Sa totoo lang nakatitiyak kaming makakukuha ng nominasyon si Enchong sa pagka-Best Actor para sa pelikulang, ito Here Comes The Groom dahil nagaling niya at hindi biro ang role niya na maging babae.Nabigyan niya talaga ng justice ang karakter niyang si Junior na sumapi sa katawan ng transgender woman na si Kaladkaren.  

At tiyak na isa ang pelikulang ito sa magiging top grosser dahil napakaganda ng pelikula na nakapagpapasaya sa sinumang manonood.

Ito ay produced ng Quantum Films at Cineko Productions.

Kasama rin sa Here Comes The Groom sina Keempee De Leon (Rodrigo) Gladys Reyes (Salve), Maris Racal(Blesilda), Miles Ocampo (Yumi), Awra Briguera (Whitney) Xilhouete (Wanda), Nico Antonio (Winona),  Iyah Mina (Wendy) Fino Herrera, at Kim Atienza. Mapapanood na ito simula sa Abril 8. (Maricris Valdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …