Thursday , May 8 2025
Althea Ablan Jillian Ward

Althea tinalbugan na raw si Jillian 

I-FLEX
ni Jun Nardo

KABILANG ang Sparkle artist na si Althea Ablan sa comfy summer outfits ng BNY clothing matapos i-launch ng Kapamilya young actor na si Seth Fedelin.

Bonggang simula raw ito para kay Althea dahil bukod sa TV series na Ara Bella at endorsement, may acting break na rin siya sa movies dahil nasa cast niya ng pelikulang Poon na unang movie niya.

Kaya nga po supper happy ako at nabigyan ako ng break sa movies. Eh magagaling pa ang kasama ko kaya another blessing ito this year,” sabi ni Althea nang makausap namin sa launching niya.

Ibig bang sabihin eh talbog sa kanya si Jillian Ward na nakasama niya sa Prima Donnas?    

Hindi naman po,” ani Althea.

Nagsimula bilang child star si Jillian at marami nang nagawa.

Ako po, commercial model nagsimula at ngayon lang nagkakasunod-sunod ang acting breaks,“ sad ni Althea.

Eh wala ba silang kompetisyon ni Jillian?

Wala naman po. Nagkataon lang na hindi na kami madalas magsama dahil may kanya-kanya na kaming trabaho. Hindi naman kami nagkikita nang madalas,  mayroon naman kaming pinagsamahan,” rason ni Althea na kulay rosas na ang personal life dahil kay Prince Clemente, huh!

About Jun Nardo

Check Also

Benz Sangalang

Vivamax King na si Benz Sangalang tumawid sa mainstream, hahataw sa ‘Totoy Bato’ ng TV5

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGKAHALO ang naramdaman ng hunk actor na si Benz Sangalang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan …

Blind Item, man woman silhouette

Aktres sa gabi lang pwede ikampanya si dyowang tumatakbo 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi lang pala kung tumulong ang isang female sa asawa niyang kumakampanya rin …

Lance Raymundo

Lance Raymundo balik-TV

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BALIK telebisyon ang aktor/singer na si Lance Raymundo matapos ang sunod-sunod na hosting …