I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKAS ang tawa namin nang makabasa kami ng isang blind item tungkol sa isang sexy star na pumutok ang inilagay sa kanyang boobs nang masubsob ito!
Eh mas humalakhak kami nang ikuwento ng isang kaibigan ang boobs ng isang sexy star na halatang niretoke.
Matapang magpakita ng kanyang boobs ang sexy star sa mga eksena. Pero ang napansin ng friend namin, parang hindi normal na boobs ang pagkakagawa sa kanya.
Kasi, may kanto-kanto ang hugis nito kompara sa bilugang boobs ng babae, maliit man o malaki, huh.
So sa halip na maelya ang friend namin sa boobs ng sexy star, natawa na lang siya sa hugis nito na hindi proportioned sa pagkakagawa.