Friday , November 22 2024
Kylie Padilla Gerald Anderson RK Bagatsing Jane Oineza Carlo Aquino Barbie Imperial

Star Magic at MavX Productions sanib-puwersa 

MAGANDANG simula at pagsalubong sa 2023 ang pagsasanib-pwersa ng nangungunang talent management na Star Magic at ng  game-changer film outfit, ang Mavx Productions.

Ang pagsasama ng dalawa ay parte ng year long celebration ng ika-30 anibersaryo ng ahensiya. Sa pamamagitan nito, nakatutulong ito para pataasin ang sining at self-discovery, paghilom, at pag-asa sa pamamagitan ng tatlong mga pelikula na pinangungunahan ng ilan sa pinakamagagaling na artista ng Star Magic.

“We are both thrilled and honored about this collaboration with Mavx Productions’ knowing the productions’ growing reputation for creating heartwarming, scenic, and critically-acclaimed films in the business. We hope that the three films, ‘I Love Lizzy,’ ‘Unravel’ and ‘The Swing’ can spark inspiration, redemption, and change among the viewers and strengthen the love for local films,” ani Direk Lauren M. Dyogi   ng Star Magic.

Unang mapapanood sa tatlong pelikula ay ang romantic-drama film na I Love Lizzy  na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Barbie Imperial na ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa  Enero 18. Istorya ng isang hometown party girl na masusubok ang tadhana at tiwala nang magkrus ang landas nila ng isang seminarista.

Ang real-life couplenaman na sina RK Bagatsing at Jane Oineza ang mga bida sa The Swing na kinunan sa napakagandang lugar ng Switzerland. Ito ay isang adult love story ng tungkol mag-asawang sinusubukang isalba ang kanilang relasyon sa kakaibang pamamaraan. Kung ano man ang kanilang madidiskubre sa pag-ibig at buhay mag-asawa, ay siyang susi sa kasagutan ng kanilang relasyon.

Kukompleto sa hanay ng pelikula ngayong taon ay ang Unravel na pinagbibidahan nina  Kylie Padilla at Gerald Anderson sa kakaibang istorya tungkol sa practice of assisted voluntary death na legal na gawain sa ilang bansa sa Europa.

Ang tatlong movies ay mula sa direksiyon ni  RC delos Reyes na siyang direktor din ng Alter Me.

Star Magic has been discovering and honing talents the last three decades and these three films featuring their artists will serve as the shining testaments of the agency’s notable experience and stature in the Philippine entertainment industry,” sabi ni delos Reyes.


AngMavx Productions, Inc.ang prodyuser ng Ikaw, A Faraway Land, at Doll House. Katuwang ang Star Magic, layunin nito na hamunin ang mga pamantayan at nakagawiang mga pelikula sa pamamagitan ng pag-eksperimento ng mga makabagong  konsepto, iba’t  ibang lokasyon, at makapigil-hiningang destinasyon.

About hataw tabloid

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …