Sunday , May 19 2024
Jamsap Entertainment Jojo Flores Maricar Moina 

Jamsap Entertainment papasukin na rin ang pagpo-produce ng pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang katatapos na Grand Lunching ng Jamsap Entertainment Corporation na ginanap last December 20 sa SMX Convention Center sa pangunguna ng CEO nitong si Jojo Flores at COO Maricar Moina.

Very promising ang 60 in-house talents na igu-groom ng Jams Artist Center na maging isang manining na bituin sa industriya, na rito sila hinahasa sa acting, singing, dancing, at hosting.

Ang Jamsap Entertainment ay binubuo ng  Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines, Jams Basketball Training Camp, at Jams Artist Production.

Habang layunin naman ng  Jams Top Model Philippines  ang makapag-produce ng super models sa bansa via ramp model 

competition, na ipinakilala ri  nila sa entertainment press ang 300 kalahok mula sa iba’tl ibang panig ng bansa ang maglalaban sa Category 1 (aged 6-11 years old), Category 2 (aged 12 to 17 years old), at Category 4 (aged 18 to 25 years old).

para sa titulong Jams Top Model Philippines at maging in house artist ng Jams Artist Talent Center at mag-uuwi ng P500k.

Ang Jams Basketball Training Camp naman ay isang training center na layuning linangin ang potensiyal ng future basketball superstars. Nagkakaroon din sila ng Celebrity Basketball kasama ang ilang sikat na PBA Players, models, at actors sa bansa.

At sa pagpasok ng 2023 ay maraming proyekto ang gagawin ng Jamsap Entertainment Corporation. Gagawa sila ng pelikula, teleserye atbp. na pagbibidahan ng kanilang mga in-house talent at sila rin ang producer ng gaganaping  35th Star Awards for Television sa January 25.

About John Fontanilla

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …