MATAPOS ang panganganak at pagtutok sa pag-aalaga ng unica hija nila ni Erwan Heussaff kay Dahlia, balik-acting na si Anne Curtis.
Kinompirma ito mismo ni Anne noong Monday sa kanyang fans bilang tatlong taon na rin naman siyang nawala sa paggawa ng pelikula.
Isang fans kasi ang nag-request kay Anne na magbalik-drama na ito. Isinama ng fan ang screenshots ni Anne sa Magpasikat number niya sa It’s Showtime na gumanap na ina si Anne na hinahanap ang kanyang anak.
‘Hi Bye, Mama’ feels,” tugon ni Anne sa fan na patungkol sa sikat na South Korean drama. “But seriously, wait na lang for next year. Ready na me.”
Ang simpleng statement na iyon ni Anne ay nakagawa ng malaking espekulasyon na handa na ngang bumalik si Anne para gumawa ng pelikula.
Taong 2019 pa ang huling pelikula ni Anne sa Metro Manila Film Festival, ito ay ang The Mall, The Merrier.