KASUNOD ng tagumpay ng kanilang launching project sa small at big screen, magsasama sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa kanilang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN.
Sa pahayag ng ABS-CBN pangungunahan ng DonBelle ang cast ng Can’t Buy Me Love.
“Abangan ang first-ever teleserye ng ‘New Gen Phenomenal Love Team,’” ayon sa trailer na ipinakita sa isinagawang Christmas special.
Ang Can’t Buy Me Love ang magsisilbing latest career milestone ng DonBelle bilang loveteam kasunod ng kanilang romantic-comedy film na An Inconvenient Love.
Naging matunog ang tambalang DonBelle noong 2021 dahil sa record-breaking pair ng kanilang iWantTFClimited series na He’s Into Her at ng digital release ng kanilang launching movie na Love Is Color Blind.
Bukod sa Can’t Buy Me Love ipinakita rin ang mga dapat pang abangang show sa ABS-CBN tulad ng FPJ’s Batang Quiapo na magtatampok kina Coco Martin, Lovi Poe, at Charo Santos; Linlang tampok sina Maricel Soriano, Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman; at ang Dirty Linen nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, at Seth Fedelin.