Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

P176K shabu timbog sa bebot

TINATAYANG aabot sa higit P176,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam  ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-SPD) ng Southern Police District sa ikinasang buy-bust operation sa J. Ramos Street, Barangay Ibayo Tipas, Taguig City.

Naaresto ng mga operatiba ang suspek na kinilalang si Jelly Ann Mae Adriano Tanyag, a.k.a Jack 36 anyos.

Narekober mula sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 26 grams at may street value na aabot sa ₱176,800 at buy-bust money.

Nasa kustodiya ng SPD DDEU Office ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Pink Sisters

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana …

Martin Romualdez Marty Romualdez

‘Selfie Diplomacy’
Congressman Romualdez at Councilor Marty, naghatid ng ‘Asikaso’ sa Leyte District Visit

TACLOBAN CITY — Hindi lang basta inspeksiyon ng mga proyekto ang naganap, kundi isang masayang …

Rodolfo Ompong Tan Neil Clark Ongchangco

Kilalang Baguio citizen, photojourn patay sa trahedya sa ilog

BAGUIO CITY — Kilala sa kanyang mga kuhang retrato, si Rodolfo “Ompong” Tan, isang prominenteng …

Gun Fire

Sa Catbalogan, Samar  
Holdapan sa bus terminal nauwi sa barilan 1 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek, habang sugatan ang isa pa nang mauwi sa barilan …