I-FLEX
ni Jun Nardo
AMINADO ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza na kabado siya kapag sumasakay ng kanyang motorsiklo ang boyfriend na si Jak Roberto.
“Kaya lagi ko siyang pinag-iingat. Nakakatakot din siyempre sumakay ng motor dahil sa nababalitaan kong sunod-sunod na aksidente,” sabi ni Barbie sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Tinanong ni Nelson si Barbie kung nag-propose na sa kanya si Jak. Sagot ni Barbie, “Hindi ko alam diyan! Ha! Ha! Ha!”
Samantala, patuloy na umaani ng papuri si Barbie dahil sa pagganap niya bilang makabagong Maria Clara sa Kapuso series na Maria Clara at Ibarra.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com