Monday , December 23 2024

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

120622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa panukalang Maharlika Wealth Fund, ayon kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.

               Sinabi ni Carpio, ang mga pondo ng GSIS at SSS ay personal na kontribusyon ng kanilang mga miyembro, kasama ang counterparts mula sa kanilang mga amo.

               “Kaya, ang kita ng SSS at GSIS investible funds ay dapat na makinabang lamang ng kani-kanilang miyembro. Ang kita ng Maharlika Sovereign Wealth Fund ay para sa kapakanan ng lahat ng Filipino, kabilang ang hindi miyembro ng SSS at hindi GSIS,” aniya sa isang pahayag.

               Hindi aniya maaaring ibigay ng batas ang kita mula sa pondo ng SSS at GSIS sa mga hindi miyembro na hindi nag-ambag sa pondo. Ito ay pagkuha ng pribadong ari-arian para sa pampublikong layunin nang walang makatarungang kabayaran, na labag sa konstitusyon.

               Ang pagtatatag ng  Maharlika Wealth Fund na iminungkahi sa ilalim ng House Bill 6398, ay may layuning payagan ang gobyerno na mamuhunan ng mga surplus na reserba o kita sa real estate at financial asset.

Kabilang sa mga may-akda ng panukala ay sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III, pinsan at anak, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa ilalim ng panukala, papayagang mag-invest ng kanilang pondo ang mga government financial institutions (GFIs) tulad ng GSIS, Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LandBank), at Development Bank of the Philippines (DBP), para sa mas mataas na kita.

Ang SSS ay may mandatong isulong ang katarungang panlipunan at magbigay ng proteksiyon sa mga miyembro at pamilya laban sa mga panganib ng kapansanan, pagkakasakit, maternity, katandaan, kamatayan, at iba pang contingencies na nagreresulta sa pagkawala ng kita o pinansiyal na pasanin.

               Habang ang GSIS ay may tung   kuling i-insure ang lahat ng properties, assets, at interes ng gobyerno laban sa insurable na panganib.

               Naunang nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mga stakeholder kabilang si Bangko Sentral Governor Felipe Medalla sa iminungkahing panukala dahil ang epekto nito sa mga reserba ng bansa at ang kawalan ng transparency.

               Naalarma rin sa HB 6398 ang may 12 business group kabilang ang Makati Business Club (MBC), Management Association of the Philippines (MAP), at Foundation for Economic Freedom (FEF).

               Sinabi ni  Sen. Imee Marcos noong nakaraang lingo, ang pondo ay maaaring magaya sa kapalaran ng kontrobersiyal na 1Malaysia Development Berhad (1MDB) na nasimot dulot ng korupsiyon at naging sanhi ng pagbagsak ng dating Malaysian Prime Minister Najib Razak.

               Umaarangkada na rin ang online petition laban sa MWF na nangangalap ng 25,000 lagda para isumite sa Kongreso.

Tikom pa rin ang bibig ng Malacañang hanggang sa ngayon kahit itinuro si Pangulong Marcos Jr., bilang may basbas sa pagbubuo ng MWF.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …