Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Hi Bye Mama

Yasmien gustong gawin ang Hi Bye, Mama

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGTATAPOS na ang Start-Up PH sa Disyembre at kung tatanungin si Yasmien Kurdi, isang Philippine adaptation ng isang Korean series ang gusto ulit niyang gawin at ito ang Hi Bye, Mama.

Ang Hi Bye, Mama ay tungkol sa isang ina na namatay dahil sa aksidente at naulila ang kanyang mister at anak na babae.

Sa kabila ng pagmu-move on ng lahat ng kanyang naiwan, hindi pa rin magawang talikuran ng pumanaw na ina ang kanyang mag-ama kaya binigyan pa siya ng 40 araw upang ayusin pa ang buhay ng kanyang pamilya.

Bakit iyon ang nais gampanan ni Yasmien na papel sa susunod?

“Parang nakare-relate ako kasi mayroon din siyang isang anak na babae, may asawa na siya, tapos parang naiisip mo siya, ‘Paano kung nangyari nga ‘yun?’

“Parang ang sakit for a mom na lahat naka-move on na tapos ikaw hindi ka pa rin maka-move on,” paliwanag ni Yasmien.

Samantala, patindi na nang patindi ang mga ganap sa Start-Up PH na hahantong sa bongga at pasabog na climax sa pagtatapos nito sa isang buwan.

Tuloy-tuloy ang mga eksenang kaabang-abang sa apat na karakter na sina Ina Diaz (Yasmien), Dani Sison (Bea Alonzo), Davidson Navarro (Jeric Gonzales), at Tristan Hernandez (Alden Richards).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sexbomb Get Get AW concert

Sexbomb fans humihirit rAWnd 6 concert

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na ang mga batang pinalaki ng Sexbomb para sa  Get, Get AW! concert  rAWnd 3, 4, …

Arabelle Dela Cruz Veiled Cup

Arabelle Dela Cruz ng Pilipinas wagi sa Veiled Cup sa Korea

MATABILni John Fontanilla WAGI ang representative ng Pilipinas na si Arabelle Manalo Dela Cruz aka Laguna Diva sa katatapos …

Charlie Fleming Sean Lucas Anthony Constantino Allen Ansay

Cast ng GMA horror film nagpakilig sa Iloilo

RATED Rni Rommel Gonzales BAGO ang takutan, kilig muna ang dala sa Iloilo ng mga …

Glaiza de Castro 58th IFFR

Glaiza proud mapanood docu-film sa ibang bansa

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI maitago ni Glaiza de Castro ang kasiyahan sa pagpapalabas ng kanyang latest …

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …