Monday , December 23 2024
National Children’s Hospital

Dagdag na budget para sa National  Children’s Hospital inihirit sa Senado

ISINUSULONG ni Senator Raffy Tulfo ang karagdagang budget para sa National Children’s Hospital (NCH), upang higit makatulong sa mga bata na nagmula sa pinakamahihirap na pamilya.

Sa kasalukuyan, ang nasabing ospital ay hindi umano nakatatanggap ng sapat na suporta mula sa gobyerno.

Sa kanyang privilege speech noong Lunes, 21 Nobyembre, ibinunyag ng senador ang nakapanlulumong sitwasyon sa ospital, tulad ng kakulangan sa manpower, below industry standard facilities, at luma o kulang na kagamitan.

Hinimok niya ang Department of Health (DOH), Department of Budget and Management (DBM) at ang kanyang mga kapwa Senador na personal na bisitahin ang ospital upang masaksihan ang kalagayan nito.

“Mr. President, the National Children’s Hospital, a health facility for the poorest and weakest, is in dire need of our help. Kung paano naghihingalo ang mga pasyente roon, gayon din ang paghihingalo ng pasilidad at sitwasyon ng National Children’s Hospital,” ani Tulfo.

“I invite you to visit this hospital para makita ninyo kung gaano kalunus-lunos ang kalagayan ng mga pasyente roon. Nang makausap ko sila, wala raw pong bumibisita sa kanilang mga opisyal ng gobyerno. There’s something wrong in the way they are treated and how the government handles them. They are not getting the help they must receive,” dagdag niya.

Sa paghingi ng karagdagang budget para sa NCH, sinabi ni Tulfo, maaaring kumuha mula sa mga ‘underperforming agencies’ ng gobyerno.

Sa kanyang pagbisita kamakailan sa nasabing ospital, ibinahagi ni Tulfo na nakita niya sa mukha ng mga bata at kanilang mga magulang ang paghihirap at kalungkutan habang nakapila sa masikip, at mainit na pasilyo ng ospital na nagpadagdag lamang sa kanilang paghihirap.

Isang 6-anyos batang lalaki, may stage 4 liver cancer ang nahihirapang huminga kahit mayroong oxygen tank na tumutulong sa kanya.

Ang privilege speech si Tulfo ay kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …