Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dolly de Leon Triangle of Sadness

Dolly binigyan ng standing ovation; nanggulat sa Triangle of Sadness

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKA-PROUD ang Pinay actress na si Dolly de Leon dahil mahusay niyang nagampanan ang papel ng isang Pinay overseas worker sa isang luxury yacht sa Swedish film na Triangle of Sadness.

Ang Triangle of Sadness ang opening movie sa 10th QCinema International Film Festival nananalo ng Cannes Palme d’Or o Best Picture award.

Kasama ni Dolly sa Swedish film na mula sa acclaimed writer-director Ruben Östlund sina Harris Dickinson, Charlbi Dean, Woody Harrelson, Henrik Dorsin, Zlatko Buric, Iris Berben, Sunnyi Melles, Vicky Berlin, at Oliver Ford Davies.

Nakatutuwa ang karakter ni Dolly na akala namin noong una’y walang wawa o one of those lang. Pero umarangkada ito sa kalagitnaan. Isa pala ang karakter niya na mahalaga para mabuo ang istorya  hanggang sa nakalolokang ending nito.

Sa totoo lang karapat-dapat talagang bigyan ng pagkilala si Dolly dahil napakahusay niyang nagampanan ang kanyang role. Kaya hindi kataka-takang binigyan siya ng standing ovation nang ipalabas ito sa opening ng 10th QCinema sa Gateway Cineplex sa Araneta City, Cubao QC.

Hindi lang kasi special participation ang aktres dahil siya pala magdadala ng kuwento at bubuo ng kuwento.

Napag-alaman naming umuwi pa si Dolly sa bansa para lamang dumalo sa naturanf sa Philippine premiere ng pelikula.  Sabi nga ni Ms Dolly sa isang interbyu sa kanya, “I really wanted to be here para maramdaman ko ang reaksiyon ng mga kababayan natin. It was my choice to be here.”

 Nasa Amerika si Dolly para sa producers’ campaign para mapansin ng mga miyembro ng Academy Awards at mapili siya para maging finalist sa 2023 Oscar Best Supporting Actress category.

Samantala, ibinabahagi ni Dolly ang natanggap na papuri sa co-star niyang si Charlbi Dean na pumanaw noong August sa New York, “I also thank her and pay tribute her. She was a dear friend.”

Mapapanood ang second screening ng Triangle of Sadness para sa QCinema filmfest sa November 21, sa Power Plant Cinema sa Rockwell, Makati City. Sa November 30 naman ang regular showing nito sa mga sinehan nationwide na exclusively distributed ng TBA Studios.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …