MA at PA
ni Rommel Placente
SA 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), na gaganapin sa Metropolitan Theater sa November 27, pararangalan sina Tito at Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno, bilang Icons ng Pelikulang Filipino.
Magsisilbing host ng programa ang King of Talk na si Boy Abunda, at ididirehe ni Ice Seguerra.
Ang mga nominado sa kategoryang BEST ACTRESS ay sina Janine Gutierrez (Dito at Doon), Kim Molina(Ang Babaeng Walang Pakiramdam), Maja Salvador (Arisaka), Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon), at Alessandra de Rossi (My Amanda).
Ang mga nominadong Best Actor ay sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8), Christian Bables (Big Night), Dingdong Dantes (A Hard Day), Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon), at Piolo Pascual (My Amanda).
Well, sino-sino kaya ang mag-uuwi ng tropeo sa gabi ng parangal ng The EDDYS?