Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessa Macaraig Lee Leonardo

Beauty Queen Jessa Macaraig may bagong partner

MATABIL
ni John Fontanilla

BAGONG partner sa negosyo. Palaki nang palaki ang pamilya ng sumisikat na skin clinic sa bansa na The Pretty You na pag-aari ng controversial beauty queen/businesswoman na si Jessa Macaraig.

Mula 25 ay padami nang padami ang branch ng Pretty You sa buong Pilipinas at ngayon nga ay magkakaroon nito sa Bacoor, Cavite na pag-aari ng isang dating client nila way back 2020, si Ms. Lee Leonardo.

Nakita ni Ms Lee na maganda at epektib ang services ng Pretty You base na rin sa kanyang own experience bilang regular costumer nito. Kaya naman napagdeaisyonan nito na mag-franchise at magkaroon ng sariling branch ng sumisikat na skin clinic sa Bacoor Branch, 3F Mafee Commercial Building, 387 Molino Rd., Molino III, Bacoor Cavite na magkakaroon ng soft opening sa Nov 8.

Isa pa sa rason ni Ms. Lee kaya niya pinasok ang ganitong negosyo ay dahil nakitaan niya ito ng potensyal bilang financial source ng itatatag niyang foundation for the seniors citizens. Bukod pa sa maraming Pinoy ang talaga namang mahilig magpaganda.

Habang sa paglago ng negosyo at sa pagdami ng branches ng Pretty You sa buong Pilipinas, sobrang saya ni Jessa dahil makapagbibigay na naman sila ng trabaho sa ating mga kababayan.

Ayon pa kay Jessa maraming services ang ino-offer ng Pretty You na very effective at affordable ang presyo. “We have a wide range of facial treatments that are specifically made to target different skin concerns. Walk us through your skin worries and we’ll be glad to suggest which facial suits you best. Oh, and did we mention we also offer brow and lash services? We have it all! Bring out the pretty in you with us”.

At kahit nga dumadaan ito sa kontrobersiya ay 100% plus pa rin itong on the go sa pagtutok sa kanyang negosyo katuwang ang kanyang napakasipag at mabait na asawang sI Mr. Marvin Macaraig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …