Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sim Cards

Sa IRR ng SIM registration
KONSULTASYON SA SUBSCRIBERS TIYAKIN – POE 

DAPAT tiyakin ang malawakang konsultasyon sa mga stakeholder sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, ayon kay Sen. Grace Poe.
               “Hihintayin natin ang isang IRR na kakatawan sa diwa ng batas para mabigyan ang mamamayan ng depensa sa paglaban sa text scam at misinformation,” ani Poe, sponsor ng batas sa Senado.
               Ayon sa isang non-commissioned nationwide Social Weather Station survey na isinagawa mula 29 Setyembre hanggang 2 Oktubre, mayorya ng mga Filipino ay pabor sa SIM Registration Act.
               “The rules will get the ball rolling on our aim to provide a secure and safe mobile phone use in the country while protecting the right to privacy,” diin ni Poe.

May 60 araw ang gobyerno para bumuo ng IRR mula sa pagiging epektibo ng batas noong 28 Oktubre.

Isinasaad sa Section 12 ng SIM Registration Act na ang National Telecommunications Commission, kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission, telcos at pangunahing major consumer groups, ang babalangkas ng IRR.

Sa ilalim ng batas, ang mga mobile phone user ay kailangan magparehistro ng kanilang SIM bilang pre-requisite para sa activation nito. Lahat ng kasalukuyang SIM holders ay dapat magparehistro sa kanilang mga telco sa loob ng 180 araw mula sa effectivity ng nasabing batas. Maaaring pahabain ng DICT ang pagpapatala ng hanggang 120 araw.

Ang pagpaparehistro ng SIM ay maaaring gawin electronically sa pamamagitan ng isang platform o website na itatalaga ng telco.

Sa malalayong lugar na limitado ang telekomunikasyon o internet access, ang mga inatasang ahensiya ng gobyerno at telco ang magsasaayos ng SIM registration.

Libre ang pagpaparehistro ng SIM sa ilalim ng batas.

Una rito, nagpahayag ang grupong CitizenWatch Philippines na umaasa silang ang mga ahensiya ng gobyernong bubuo ng IRR ay magsasagawa ng hayag at inklusibong konsultasyon.

Ang IRR ay magbibigay ng detalye sa registration requirements at proseso nito para gabayan ang publiko at tiyaking maayos ang implementasyon.

Aniya, ang mga probisyon ng batas na magbibigay ng pananggalang laban sa security risk at data breaches ay dapat ma-highlight sa IRR. Kasama rito ang mga direksiyon para sa epektibong pagtugon at pagresolba kung sakaling mayroong mga reklamo.

“Coming up with the IRR not only signals the urgency to protect the people from scams and misinformation. It also conveys that registration will be facilitated efficiently and securely,” ani Poe.

Ang SIM Registration Act ang unang batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  (NIÑO ACLAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers, target ang sweep; Final Four contenders umiinit sa huling salpukan

Mga laro ngayong araw (Paco Arena) 1 p.m. – VNS vs Alpha 3 p.m. – …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …