Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

Sa Bulacan
LIDER NG ‘CRIMINAL GANG’ TIMBOG 

NAARESTO ng mga awtoridad ang pinuno ng isang notoryus na ‘criminal gang’ sa isinagawang operasyon sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Oktubre.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Jannel Contreras, alyas Miyaw, 33 anyos, nadakip ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa drug buy-bust operation sa Brgy. Sta. Ines, sa nabanggit na bayan dakong 5:40 pm kamakalawa.

Nakatala si alyas Miyaw, lider ng Contreras Criminal Gang na responsable sa mga insidente ng holdapan at carnapping sa lalawigan, at bilang PRO3 – Regional Priority High Value Individual at Provincial High Value Individual ng Bulacan.

Nakompiska sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, may timbang na limang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P34,000; at marked money. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …