Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mamasapano Now It Can Told

Topacio ayaw sa first day last day

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKA-VOCAL ni Atty. Ferdinand Topacio ng Borracho Film Productions sa pagsasabing hindi siya komporme sa “first day, last day” sa mga sinehan tuwing Metro Manila Film Festival. Ang tinutukoy ni Topacio ay ang nangyayaring pagtanggal sa mga pelikula ‘pag hindi kumikita o pinapasok.

Sa mediacon Mamasapano Now It Can Told, isa sa official entries sa MMFF 2022 natanong ang lawyer/film producer kung may solusyon ba siya para maiwasan ang ‘first day, last day’ ng kanyang pelikula.

“‘Yan ang depekto sa MMFF, ano?” matapang niyang sabi. “‘Pag nag-festival ka, patapos mo. Kasi hindi mo alam, eh, kung sino ang gustong manood. It’s supposed to be a festival. You’re not supposed to narrow-down the choices. 

“Pinili mo lahat ‘yang walong (8) entries na ‘yan. Ibig sabihin, worthy contenders ‘yan, they’re worth to be seen.”

May katwiran naman si Topacio na magsalita ng ganito lalo’t producer siya at hindi naman biro ang ginastos nila para matapos ang isang pelikula. Tulad ng Mamasapano na matagal ding ang ginugol nilang panahon para matapos dagdag pa ang maraming artista at extra.

Ilang araw lang naman ‘yun, eh. Buuin mo na. Anong klaseng festival ‘yan kung puro gross ang tinitingnan mo?” anang abogado/producer. Nagsisimula ang festival ng Disyembre 25 at nagtatapos ng Enero 7.

Sinabi pa ni Atty Topacio na ilalahad niya ang nasabing usapin sa magaganap na producers’ meeting kasama ang festival committee.

Actually, kaya sumali ako rito, one of the reasons is para ma-criticize ko sila, eh,” ani Atty. Topacio sabay-tawa.

“Kasi, kung wala ako, eh wala akong karapatang mag-criticize. Eh ngayong nandito ako, bahala kayo sa buhay n’yo. Mag-iingay talaga ako hangga’t hindi n’yo binabago ang sistema n’yo,” giit pa nito.

Binigyang-linaw pa ni Topacio na hindi siya after sa gross ng pelikula.

Panoorin n’yo kung gusto n’yo, kung ayaw n’yong panoorin, bahala kayo sa buhay n’yo. Kung gusto n’yong panoorin ang kulot na Ivana (Alawi), wala namang problema sa akin,” pagbibirong muli ni Topacio.

Ang tinutukoy nito ay ang MMFF entry ni Ivana Alawi kasama si Vice Ganda.

Pinagbibidahan nina Edu Manzano, Paolo Gumabao, Aljur Abrenica, Allan Paule, Rey Abellana, Gerald Santos, Ritz Azul, at Claudine Barretto ang Mamasapano. Idinirehe ito ni Lester Dimaranan at mapapanood simula Dec. 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …