Sunday , April 27 2025
MMFF 48th Metro Manila Film Festival

4 pa sa 8 official entries sa MMFF 2022 inanunsiyo na

INIHAYAG na ang natitirang apat sa walong entries sa 48th Metro Manila Film Festival. 

Ang mga ito ay ang Deleter ng Viva  Communication, horror movie na nagtatampok kay Nadine Lustre at idinirehe ni Mik RedFamily Matters ng Cineko, isang family drama na nagtatampok kina Noel Trinidad, Liza Lorena, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nonie Buencamino, JC Santos, at Nikki Valdez, mula ito sa direksiyon ni Nuel NavalMamasapano: Now It Ca Be Told ng Borracho Film Production, isang action-drama movie na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Alan Paule, at Claudine Barretto, idinirehe ito ni Lester Dimaranan; at ang My Father, Myself ng 3:16 Media Network, isang drama movie na tampok sina Jake Cuenca, Dimples Romana, Sean de Guman, at Alan Paule. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Ang apat na naunang inihayag naman ay ang Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta MariaPatners In Crime nina Vice Ganda at Ivana AlawiThe Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga; at ang Nanahimik Ang Gabi nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado.

Kasabay ng anunsiyo ang panawagan ni MMFF Concurrent Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III sa moviegoers na suportahan ang festival na naging bahagi na ng tradisyon ng mga Filipino taon-taon.

Let us watch the MMFF in theaters once more. We are happy with the list of entries, which has a wide mix of genres. We are excitedand looking forward to MMFF 2022 becoming a success,” sambit pa ni Dimayuga. 

Ang 48th MMFF ay magsisimula ng December 25, 2022 at magtatapos ng January 7, 2023. Ang Gabi ng Parangal naman ay magaganap sa December 27.

About hataw tabloid

Check Also

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Pagkanta ng mga Noranian ng Superstar Ng Buhay Ko nakaaantig ng puso

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI inalintana ng magkakapatid na  Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon at …

Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the …

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …